Broxichow's Blog Too

Dear B | May 9, 2012

Dear B,

Gusto ko lang linawin ang ating samahan: Hindi tayo “friends”! Hindi tayo “close”! Nais ko lang talaga na maging sibilisado ang ating pagtutunguhan.

Sinubukan ko na tulungan ka dati. Pero ano nga ulet ginawa mo? Inangasan mo lang ako ‘di ba? Mahangin lang yata talaga ang panahon mula Pasig hanggang Quezon City (alalahanin ang GC sa Frisco, Del Monte, QC). Tanggap ko na yun at wala ka ng maririnig na reklamo galing sa akin mula ngayon.

Para sa akin, isa ka lang “player” ng DOTA. Di ko alam kung natalo mo ba talaga si Roshan, pero sa totoo lang kahanga-hanga ang iyong EE-jis. Kahit na marami ka ng patalo, protektado ka pa rin. Ikaw na! Ikaw na!

Payong ka-DOTA, ingat ingat lang kase hindi permanente yang power item mo. Bakit ka mo? Basahin mo dito
… Sana masulit mo ito masabi ng kalaban na “GG“!

Maraming pang ibang pangyayaring sumunod, pero hindi ko na iisa-isahin, sayang ang oras, sayang ang “bandwidth”.

Hindi ko alam kung ano ang problema mo at wala akong balak pang alamin ang bawat detalye nito. Meron din ako nyan pero sa akin kase kanya kanyang diskarte lang talaga yan.

Sa huli iiwanan ko ang mga salitan binigkas ni Rudy Fernandez sa pelikulang Markang Bungo… “Walang personalan, trabaho lang!

Talagang trabaho lang ito… walang personalan!!!

Broxi


Posted in Rants

%d bloggers like this: