Broxichow's Blog Too

Dear DY | November 10, 2020

Dear DY, kumusta na ang life at work mo?
Sana OK/All good lang lahat dyan sa inyo
Badtrip talaga tong messenger ng Facebook
Kase di maalis-alis sa utak ko ang paggiging mababaw at DD-ebs-diehard mo dun

Hindi ko magets kung bakit mala-Ocean’s 8 (cm-deep) ang mga post mo sa FB-group
Lahat naman tayo may access sa internet
Youtube, Facebook, news at iba pang internet websites
Alalahanin mo na hindi na tayo bagito dito sa ‘net
Sa totoo lang Thunders na tayo dito
Simula pa lang ng fwendster at yehey-groups active na tayo dito di ba?
Pero bakit ganyan ang level ng sine-share mong kababawan sa group natin?

Suggestion: Wag mo na i-celebrate yang si Dolimightee Sam
Malaki ang ginastos na pera ng bayan dyan
Seryoso P300M+ para saan? sa kakarampot na area na yan?
Eh 190+ km ang coastline ng Bay na yan so wala pa sa 1% yung 500m na tambakan ng buhangin na yan?
Sayang talaga sayang! Sana ibinudget na lang yung pera para dyan sa pagtatanim ng mga bakawan
Bakawan = Mangrove = Linis dagat na + iwas baha pa
Me bonus pang mga isdang pangkabuhayan

Suggestion: Wag ka na rin mag post ng mga “balita” na unverified at kung saan-saang website mo napulot
Lalo na yang post mo about bank-remittance/telco rev-tax at red-tagging na bulok
Please lang, sentido-kumon na fake news yan!!!
Pero bakit parang proud na proud ka pa na i-share yan?
Na para bang good news ito at me mapupulot tayo na mapapakinabangan?

Sa totoo lang wala tayong mapapala sa kaka-share mo ng good “news” at papuri “news” sa poon at tatay D mo!
Halatang halata ang galawan na ganyan: Misinformation at Disinformation yaan!
Ewan ko ba kung bakit naniniwala ka sa mga ganyang news
Matalino ka naman at sharp mag-isip
Pero bakit para kang nagbubulag-bulagan?

Sinabi ko na ito nung huling labas natin:
Iwasan na natin mag-post ng pulitika at political news sa group chat natin
Napaka-divisive ng ganyan! At para sa ikakaganda ng ating samahan, sana huwag na lang mag share ng ganyan

Wala na akong magagawa kung sobra mong idol yang poon at tatay D mo
Wala na rin ako magagawa kung mahal mo na rin ang mga daan-daan nyang kampon at henchmen
Pero seryoso, huwag mo na ishare sa FB-group natin ang mga ganyang bagay bagay, Kase sa dulo ang kahihinatnan lang nito ay tampuhan at away

Hanggan dito na lang ang blog post ko! Salamat sa atensyon mo, saka na lang pala yung backlog ko (kwento sa yo at regalo sa inaanak ko) pag nagkita na lang ulet tayo… siguro (after ng pandemya na ito)

-Broxi


Posted in Uncategorized

%d bloggers like this: